top of page
Search
Naomi Yu

Ang Ekonomiya ng Pilipinas ay Umaangat Mula sa Resesyon

Ang Sitwasyon


Ang resesyon ay nagsimula sa unang kwarter ng taong 2020 noong bumagsak ang GDP resulta ng pagputok ng Bulkang Taal, na nakahadlang sa pagtaas ng ekonomiya sa mga kalapit na industriya. Ang ekonomiya nagpatuloy na humigpit sa unang kwarter dulot ng paghihigpit ng mga regulasyon sa quarantine noong Marso taong 2019. Ang pagbagsak na ito ay lalong lumala dahil sa epekto ng pandemyang COVID-19. Noong nakaraang taon, ang GDP ay bumaba nang 9.6%. Ito ang pinakamalaking taunang naitala simula noong nagsimula ang National Accounts data series sa Pilipinas taong 1946.


Ngunit, dahan-dahang umaangat muli ang ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa isang pag-aaral na nalathala ng Asian Development Outlook noong 2020, ang ekonomiya ng Pilipinas ay inaasahang umangat nang 4.5 porsyento taong 2021 at 5.5 porsyento taong 2022.


Sandaling lumiwanag ang kinabukasan ng ekonomiya ng Pilipinas, dahil sa GDP, tumatalon ito nang 11.8 porsyento noong pangalawang kwarter ng taong 2021, ang pinakamataas na naitala makalipas ng 32 years simula noong pagtaas ng 12 porsyento sa ikaapat na kwarter taong 1988. Dahil sa pagsasagawa ng pagpapabakuna sa ating bansa, nakatulong itong magbigay kumpiyansa muli sa mga konsyumer at mga korporasyon. Ang pagsulong na ito ay nagpalaya sa Pilipinas at pinayagang umangat mula sa resesyon dulot ng pandemya.


Subalit ang mga malalagim na araw ng ekonomiya na nangangailangan ng pagliwanag muli ay malayo pang matapos. Sa kasamaang palad, naniniwala ang mga eksperto na ang nakamit ng Pilipinas ay muling babalik sa simula kapag ang ekonomiya ay makaranas muli ng pagbagsak dahil sa pagbabalik ng mahigpit na regulasyon ng quarantine dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 na may kasamang Delta variant.


Ano ang Resesyon?


Ayon sa National Bureau of Economic Research (NBER), ang kahulugan ng resesyon ay ang mahalaking paghina ng aktibidad ng ekonomiya sa pangkalahatang ekonomiya, mas tumatagal sa ilang buwan, ito ay kadalasang nakikita sa GDP, totoong kita, trabaho, produksyong pang-industriya, at ang wholesale-retail sales.


Mga Hula sa Kinabukasan


Sa kabila ng mga pagsubok, ang Socioeconomic Planning Secretary na si Karl Chua ay nagsabi na malaki ang posibilidad ng bumalik muli ang pagtaas ng ekonomiya. Dagdag pa niya, ang Development Budget Coordination Committee ay kasalukuyang inaaral ang 6 hanggang 7 porsyento ng GDP objective para sa taong 2021. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang ekonomiya ay dapat na umakyat kahit na 8.2 porsyento sa kalahating ng taon upang makamit ang mababang obhetibo, at ang pinakamataas ay 10.2 porsyento upang makamit ang mas mataas na obhetibo.


Sa kabilang banda, si Alex Holmes ng Capital Economics ay nagbigay ng suhestiyon na ibaba ang 2021 GDP at gawing 5 porsyento galing sa 6 porsyento dahil sa pagtaas ng bilang ng mga hindi inaasahang sitwasyon. Ito ay mas mababa sa nais ng gobyerno ang and resulta ay GDP ay mas mataas sa 14 porsyento na mas mababa sa katapusan ng taon bago pa man magkaroon ng COVID-19.


Ang ano hakbang na ginagawa?


Ang gobyerno ay nagsabi na ipagpapatuloy nila ang plano na three-pillar plans, na nagsimula noong taong 2017, ngunit ito ay hinadlangang ng krisis gawa ng pandemya, upang masuportahan ang pagtaas at pagbalik muli ng ating ekonomiya, kasama ang pagsasagawa ng pagpapabakuna, ang pagbubukas muli ng ekonomiya, at ang matagumpay na pagsasama ng mga package, upang mas makilala ang pagbabalik muli ng ekonomiya.


Dinagdag ni Chua na ang pagbabakuna ng COVID-19 sa ating bansa ay nasa tamang daan dahil humigit-kumulang 40 million doses na ang nakarating sa ating bansa simula noong Marso at may dadating pa na 148 million doses para sa natitirang buwan ng taon. Ang ekonomiya ay inaasahang makakakuha ng pagtaas mula sa Build Build Build program at ang pagpapatupad ng Corporate Recover and Tax Incentives para sa Entreprises law. Ang mga amendments sa Public Service Act, ang Retail Trade Liberalization Act, at ang Foreign Investment Act ay makatutulong upang makakuha ng mga investments, makatutulong sa pagtaas ng growth potential, at makagawa nang mas marami at maayos na trabaho.

3 views0 comments

Recent Posts

See All

Ang Pfizer Pill

Ang kasalukuyang sitwasyon sa malawakang pagbabakuna ay nagbigay-liwanag sa isang bagong problema. Matapos maibigay ang mga booster shot,...

Comentarios


bottom of page