(TW: Pagbanggit at deskripsyon ng pag-aabuso sa katawan, seksuwal na pag-aabuso, at panggagahasa)
Ano ang hazing?
Ang pagiging ekslusibo ay isang karaniwang elemento sa iba’t ibang lugar katulad ng organisasyon, workplace, at iba pa. Upang ma-monitor ang mga potensyal na miyembro, karamihan sa mga lugar nito ay gumagamit ng iba’t ibang paraan upang ma-regulate ang mga nais maging kasapi katulad ng panayam, auditions, at iba pa. Isa sa mga paraan na ito na illegal at hindi inirerekomenda sa iba’t ibang parte ng mundo, kasama ang Pilipinas, ay ang hazing.
Ang hazing ay isang initiation na ginagawa ng ibang grupo na kung saan ang mga tao, upang maging opisyal na kasapi ng grupo, ay kinakailangang dumalo sa isang aktibidad, kahit sila ay pumapayag o hindi. Sa kasamaang palad, ito ay nagiging bayolente, katakot-takot, at mga gawi na talagang nagkakaroon ng malaking epekto sa kalusugan at kapanakan ng isang tao.
Ang hazing ay kadalasang ginagawa sa maraming lugar. Sa Pilipinas, maraming kaso ng hazing ang nire-report sa mga fraternities, sororities, organisasyon sa eskwelahan, at sa military o kaya naman army training.
Bakit nangyayari ang hazing?
Wala pang lumilitaw na malinaw na eksplanasyon kung bakit nangyayari ang hazing. Ngunit, ayon sa mga sarbey at konklusyon mula sa anthropologists at mga mananaliksik, sinabi na ang mga beteranong miyembro ng mga grupo ay ginagamit ang hazing upang malaman kung isang tao ay “karapat-dapat” na maging parte ng isang grupo. Ang iba’y hinahalintulad ang hazing sa buhay ng isang tao, sinasabi na ang mga karanasan ang nagpapatibay sa pangako ng isang tao sa grupo.
At dahil dito nagkakaroon ng cycle, ang mga miyembro na nakararanas ng hazing noon ay patuloy na ginagawa sa mga susunod na henerasyon na miyembro upang maging opisyal na miyembro ng isang grupo.
Source: Stop Hazing
Anti-Hazing Act of 2018
Dahil sa nakaalarmang numero ng mga sugatan at namatay na may kinalaman sa hazing, may mga batas na naipatupad upang mabawasan ang ganitong mga pangyayari. Noong 2018, pinirmahan ni Duterte ang batas na Republic Act No. 11053 o ang Anti-Hazing Act of 2018, na tuluyang hindi pinapayagan ang hazing sa Pilipinas.
Ayon sa batas na ito, ang mga organisasyong nais magsagawa ng initiation ay kinakailangang magpasa ng written application sa mga otoridad ng eskwelahan na naglalaman ng deskripsyon ng initiation at kinakailangang may dalawang school representative habang ginagawa ang nasabing gawain.
May multa at may parusa ang mga taong gumagawa ng hazing. Kapag ang aksyon ito ay magresulta sa kamatayan, rape, sodomy, o mutilation, isang P3-milyon ang babayaran na may kasamang penalty na reclusion perpetua. Para sa mga hazing na hindi nakasasakit, isang P2-milyon ang kailangang bayaran kasama ang penalty na reclusion perpetua.
Sa mga gantong kaso, mga waivers at consent forms ay itinuturing na walang bisa at hindi mapoprotektahan ang mga taong kasangkop sa hazing.
** reclusion perpetua - makukulong sa bilangguan simula 20 hanggang 40 na taon
Kamakailang kaso ng Hazing sa Pilipinas
Sa kasamaang palad, kahit sa dami ng mga batas na pumipigil sa hazing sa ating bansa, mayroon pa ring mga pagkamatay at mga kaso na resulta ng hazing sa Pilipinas. Isa sa mga dito ay, naganap noong Pebrero 2020 at nagresulta sa kamatayan ni Omer Despabiladeras, isang 23-anyos na criminology student.
Ang aktong ito ay ginawa ng mga miyembro ng Tau Gamma Fraternity sa Barangay San Vicente. Ayon sa balita, si Despabiladeras ay nag-collapse sa gitna ng hazing at itinakbo sa ospital ngunit tinakdang dead on arrival. Siya ay nagkaroon ng sustained hematoma, na kung saan may namuong dugo sa loob ng tissues ng kanyang likod, leeg at ang ibang parte ng kanyang katawan at namaga hangga’t naging matigas ito.
Kasama ni Despabiladeres ay isa pang estudyante, Alfredo Garcia, na nasugatan dahil sa nasabing insidente.
Sa ngayon, mayroong labing-dalawang (12) miyembro ng fraternity ay inaresta sa paglabag ng RA 11053 na walang pampiyansa. Ang mga police ay patuloy na naghahanap sa sampung (10) miyembro ng fraternity na kasangkop sa hazing.
Comments