top of page
Search

Ang Malawakang Pagbaha sa Pilipinas

Kung ikokonsidera ang geographical location ng Pilipinas, ang mga mamamayang Pilipino ay hindi na bago na dumanas ng bagyo at malalakas na ulan. Dahil dito, kasabay ng kasagsagan ng ulan ang pagkakaroon ng baha. Ayon sa UNESCO-WMO (1974), ang kahulugan ng baha ay “a rise, usually brief, in the water level in a stream to a peak from which the water level recedes at a slower rate (as cited in PAGASA, n.d.).”


Mga lugar na kadalasang binabaha sa Pilipinas


Kadalas ang pagbaha ay nangyayari sa iba’t ibang parte ng bansa ngunit mayroong mga piling lugar na kadalasang tinatamaan ng malalakas na ulan. Nakalulungkot mang pakinggan, karamihan sa mga taong nakatira sa komunidad ay nakararanas nito, kaya naman ito ay nagiging seryoso at kasalukuyang mabigat na isyu ng bansa.


Sa Metro Manila, ang mga lugar na kadalasang binabaha ay Pasig Marikina River, ang West Manggahan, at ang lugar ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela). May isang pag-aaral na nakapokus sa mga mamamayan na nakatira sa mga lugar na ito at napagtanto na ang two-thirds ng mga taong nakatira sa lugar ay nakaranas ng mga nawawalang gamit dahil sa bagyo at pagbaha


Ang iba pa bang lugar na kadalasang binabaha na nasa labas ng Metro Manila ay ang mga sumusunod: Pampanga, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac, Maguindanao, Bulacan, North Cotabato, Oriental Mindoro, at Ilocos Norte.


Sanhi ng maraming pagbaha


Ngayong alam na natin ang iba’t ibang lugar na kadalasang binabaha sa bansa, ang tanong na lumulutang ay bakit nga ba ito nangyayari. Ang pangunahing rason na kadalasang naiisip ng nakararami ay dahil napapalibutan ng tubig ang bansang Pilipinas.


Gayunpaman, bukod sa geographical location ng bansa, ang dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary na si Rogelio Singson ay naniniwala na ang sanhi ng mga baha ay ang mga sumusunod: baradong mga daanan ng tubig, lumang drainage systems, at maraming basura dahil hindi naitatapon sa tamang basurahan



Ang mga nabanggit na dahilan ay konektado sa mabagal na pag-drain sa mga tubig habang nangyayari ang mga bagyo at tag-ulan, dahil dito hindi maiiwasang magresulta sa pagbaha. May isang balita na isinulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nagpapakita ng libo-libong basura ang inilabas sa loob ng drainage system sa siyudad sa loob ng dalawang buwan.


Dahil sa napakaraming basurang matatamo araw-araw (humigit kumulang 9,213 toneladang basura sa Metro Manila lang), at ang lumang drainage system sa bansa, na hindi na kayang tumanggap nang maraming tubig tuwing umuulan, hindi na nakagugulat na may kakulangan sa sistema para mapigilan at makontrol ang pagbaha.



Ang tugon ng gobyerno


Ang gobyerno ng Pilipinas ay hindi na bago sa pagsasagawa ng solusyon sa mga isyu sa baha. Ayon sa Asia Development Bank (ADB), “An average of 20 typhoons pass through the Philippines each year. Between 2000 and 2016, natural disasters cost the Philippines $20 billion in damage or an average of $1.2 billion annually.”


Dahil sa pandemyang coronavirus, ino-obligado na ng gobyerno ang mga evacuees na magsuot ng face masks at maayos na social distancing sa loob ng evacuation centers. Subalit, marami pa rin ang nangangamba sa kaligtasan ng mga evacuees dahil sa dami ng tao sa loob ng evacuation centers; mas nagiging masikip.


Recent Posts

See All
Ang Pfizer Pill

Ang kasalukuyang sitwasyon sa malawakang pagbabakuna ay nagbigay-liwanag sa isang bagong problema. Matapos maibigay ang mga booster shot,...

 
 
 

Comments


©2021 by ALAB.

bottom of page