top of page
Search
Gabe Tumanan

Ang mga Frontline workers ay humihiling ng maayos na pagtrato

Ano ang Nangyari

Kasabay ng pagdiriwang ng mga Pilipino ng National Heroes’ Day, karamihan sa gobyerno ay pumupuri sa mga frontline workers bilang mga “Modern Filipino Heroes”. Sa isang press conference sa parehas na araw, binanggit ni President Rodrigo Duterte, “These past two years, we have witnessed the indomitable spirit of these nameless health workers, uniformed personnel, government employees, and frontliners in essential industries who, hiding in anonymity, bravely led our battle against the COVID-19 pandemic.”


Bukod dito, karamihan sa mga medical frontliners ay naglaan ng kanilang araw sa pagdiriwang ng National Heroes’ Day sa pamamagitan ng isang protesta sa harap ng isang establisyemento ng gobyerno dahil sa hindi mabisang pagtugon ng gobyerno sa pandemya at ang kanilang pagtrato sa mga medical frontliners. Pumunta sila sa mga gusali na naka-full medical PPE gear upang marinig ang kanilang mga boses at maintindihan ang sinasabi.



Bakit sila nag-poprotesta?


Ito ay sanhi ng desisyon ng Department of Health (DOH) na pagpigil sa pagbibigay ng mga benefits sa mga frontliners ayon sa Bayanihan 2 Law. Karamihan sa frontliners ay hindi nakatanggap ni-katiting na pera para sa kanilang pag-aalaga sa mga pasyente ng Covid-19. Maraming grupo katulad ng labor unions sa St. Luke’s Medical Center Global City, Metropolitan General Hospital, The Medical City, Our Lady of Lourdes Hospital, Cardinal Santos Medical Center, at ang Calamba Medical Center ay nagbahagi ng pare-parehas na hinaing, lalong-lalo sa mga aksyon ng gobyerno na humantong sa pagkawala ng benefits ng mga frontliners.


Maraming kritisismo ang direkta kay Secretary of Health Francisco Duque III, dahil ito ay nangyari sa kanyang pamumuno na ang mga benefits ng mga medical workers ay mawawala pansamantala. "We strongly demand more actions than words. Thus, we are giving the DOH until August 31, 2021 to implement the long overdue COVID-19 benefits to health workers," sabi ng Alliance of Health Workers (AHW) president, Robert Mendoza


Ano ang resulta?

Tugon dito, and Department of Budget Management (DBM), ay naglabas ng P311.79 milyon upang magamit sa mga benefits ng mga frontline workers. Ito ay sinuportahan ng Administrative Order No. 42 at DBM-DOH Joint Circular No. 1 noong June 16, 2021, humigit-kumulang 20,208 pampubliko at pampribadong health workers na direktang nag-aalaga ng mga pasyente ng COVID-19 ay makakatanggap ng SRA na hindi lalagpas ng P5,000 bawat buwan simula Disyembre 20, 2020 hanggang June 30, 2021.


Ngayon na ang Pilipinas ay nagkakaroon na ng halos 2,000,000 na kaso, makikita rito na ang administrasyong Duterte ay nawawalan ng tiwala galing sa mga Pilipino dahil sa kanilang mga aksyon na may kinalaman sa pandemya. At dito makikita natin kung paano nito maapektuhan ang mga posibleng kandidato sa nalalapit na eleksyon na nanggaling sa nasabing administrasyon.


2 views0 comments

Recent Posts

See All

Ang Pfizer Pill

Ang kasalukuyang sitwasyon sa malawakang pagbabakuna ay nagbigay-liwanag sa isang bagong problema. Matapos maibigay ang mga booster shot,...

Commentaires


bottom of page