Ang pagbabalik ng face-to-face classes
- Naomi Yu
- Jul 16, 2021
- 3 min read
Kasalukuyang Sitwasyon
Noong Hulyo 11, 2021, 8.81% na mga Pilipino ang nabakunahan na sa kanilang unang dosage ng COVID vaccine at may bilang na 3.2% naman ang matagumpay na nabakunahan. Ngayong patuloy ang pagbabakuna ng mga tao ng COVID vaccine, ang mga patakaran sa quarantine ay nagsimulang lumuwag.
Sa Metro Manila, ang curfew ay nagsisimula ng hatinggabi hanggang 4 am. Ang mga restawran, pagupitan ng buhok, at ang mga salon ay obligadong punan ang kalahati ng kanilang espasyo, mas mataas kumpara sa 30% noon. Ang mga iba’t ibang gusali ay maaaring magbukas, ngunit kalahati lamang ang dapat na laman ng kanilang lugar. Ang pagluwag ng mga quarantine protocols ay abot hanggang sa probinsya ng Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal.
Ang Tourism Secretary na si Bernadette Payat ay umaasang ang Pilipinas ay magbubukas muli ng turismo at papayagang dumayo ang mga turista sa ating bansa na kung saan sila ay matagumpay ng nabakunahan.
Ngayon, ang Metro Manila ay may 27% ng mga bagong kaso ng COVID, mapapansing ito ay bumuti mula sa dating 94% noong Marso 29 hanggang Abril 4.
.
Online learning sa Pilipinas
Sa isang panayam kasama ang “GovInsider”, ang DepEd’s ICT Service Director Aida Yuvienco ay nagsabing 26% ng mga pampublikong eskwelahan sa bansa ay may internet access, at humigit-kumulang 5,000 ang pampublikong eskwelahan na nasa malayong lugar ang walang access sa elektrisidad.
Ang isang onlayn surbey na isinagawa noong Nobyembre hanggang Disyembre 2020 ng Movement for Safe, Equitable, Quality, and Relevant Education (SEQuRe Education Movement). Ang mga respondente ay binubuo ng 1,395 na mga instructors, 1,207 ang mga guardians, at 620 naman ang estudyante mula Grade 4 hanggang Grade 12.
Ang kinalabasan ng surbey na ito ay nagpakita na 70.9% ng mga instructors ay hindi sigurado kung ang mga pamantayang itinalaga ng Department of Education (DepEd) para sa distance learning ay nasusunod. Sa kabilang banda, may 53% naman ang mga estudyante ang hindi sigurado kung sila ba ay epektibong natututo base sa mga itinakda ng DepEd sa pamamagitan ng distance learning, samantalang may 42.7% ang mga guardians ay nagsabing sila ay nakatitiyak na ang kanilang mga anak ay naiintindihan ang mga aralin nang lubusan.
Dapat bang magbukas ang face-to-face classes?
Ang Asian Development Bank ay nagsasabi na dapat magkaroon ng konsiderasyon sa pagbabalik sa eskwelahan dahil ang online learning ay hindi kasing epektibo ng face-to-face classes at maaari itong magresulta sa ‘di pagkatuto ng mga kabataan at maging hadlang sa mga posibleng maging trabaho sa kinabukasan.
Ang mga eskwelahan sa Pilipino ay isinara para sa mga estudyante simula noong Marso 2020 noong nagkaroon ng unang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. Ang pagbabalik sa face-to-face classes ay dapat isaalang-alang sa mga rehiyon na mababa ang kaso at transmission ng COVID-19. Sa kasalukuyan, ang mga otoridad ay pumayag na ituloy ang restricted face-to-face learning para sa mga estudyante ng kolehiyo na may kinalaman sa medisina.
Magbubukas nga ba ang face-to-face classes?
Ang Education Secretary Leonor Briones ay nagmungkahi na babalik na sa face-to-face classes ang bansa ng Enero 18, 2021. Subalit, noong Pebrero 22, 2021, ibinasura ito ni Pangulong Duterte dahil nagkaroon ng mas nakahahawang UK COVID-19 variant sa Pilipinas, na may kasong 223 simula noong Marso 20, 2021.
Dahil sa pagdami ng mga nakahahawang baryasyon ng COVID-19 sa bansa, ang Department of Education (DepEd) ay sumang-ayon sa desisyon ng Pangulo na ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng restricted face-to-face classes sa mga ligtas na rehiyon. Dagdag pa riyan, ang upgraded blended learning ay patuloy na isasagawa sa mga eskwelahan.
Noong Miyerkules, Hunyo 23, 2021, ang Department of Education (DepEd) ay nagbanggit ng tatlong petsa na iminungkahi ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsimula ng taong pang-akademiko 2021-2022. Ang mga petsang inoobserbahan ngayon ay Agosto 23, Setyembre 6, o Setyembre 23.
Noong Hulyo 16, 2021, inanunsyo ng DepEd ang inapruba ni Pangulong Duterte na pagsisimula ng taong panuruan (school year) 2021-2022 sa darating na Setyembre 13. Ang kalendaryo ng mga paaralan (School Calendar) sa nalalapit na taong panuruan ay ilalabas pa lamang.
Pansamantala, ang Commission on Higher Education (CHED) ay inaprubahan na ang limited face-to-face classes para sa mga degree programs na may kinalaman sa medisina sa 93 higher educational institutions (HEIs) sa 14 na rehiyon.
Comments