top of page
Search
Jadyn Ong

Ang Pinagbabantaang Lupa ng Tribo ng Dumagat-Remontado

Ano ang nangyari?

Sa kasalukuyan, nakatira ang tribo ng Dumagat-Remontado sa Sierra Madre at nangangambang kinakailangan nilang lumipat sa ng ibang lugar dahil sa napakaraming banta sa kapaligiran at ng ekonomiya.



Banta sa Kapaligiran

Ang Dumagat-Remontado ay naninirahan sa kagubatan at kalupaan ng Sierra Madre, malapit sa ilog ng Tanay. Ang mga ilog na ito ay nagbibigay ng irigasyon sa kalupaan at ito ang nakatutulong upang sila ay mamuhay nang mag-isa kahit walang teknolohiya. Sa kasamaang palad, kahit sila ay walang suplay ng kuryente at malinis na tubig mas nakararanas sila ng iba’t ibang epekto ng pagbabago ng klima at global warming.


Dahil ang mga Dumagat ay nakatira malapit sa ilog, sila ay naaapektuhan nang malalakas na pagbaha at malupit na panahon. Ang mga kondisyong ito ay mas lumalala kapag nagkakaroon nang sunod-sunod na malulupit na ulan dahil hindi sila nakakaahon agad-agad mula sa nagdaang sakuna.


“It left us so traumatized that, to this day, even a little rain can make us anxious,” banggit ni Marge Amuin, 32-anyos, isang guro sa isang pampublikong paaralan na nakatira sa kalapit na lugar. Sinabi rin niya na ang mga sakuna ay dumaragdag sa pagkasira ng kapaligiran pati na rin ang pagpuputol ng puno, na nagpapataas ng tiyansang magkaroon ng matinding pagbaha at landslide.



Banta sa Imprastruktura

Ang Dumagat ay nakakatanggap ng mga banta laban sa kanilang tirahan dahil sa pending wave ng imprastruktura na balak itayong sa kanilang lupa. Ang isa sa mga proyektong ito ay ang Kaliwa Dam, isang P12.2-bilyon na proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build” na programa ng administrasyong Duterte. Ang dam na ito ay naglalayong magbigay ng humigit-kumulang 600 milyong litro ng tubig sa Metro Manila at ang mga kalapit na lugar kapag ito ay natapos gawin.


Upang makakuha ang gobyerno ng permit para makapagpatayo sa lupa ng mga ninuno, kailangan nilang kumuha ng sertiipiko ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) mula sa mga nagmamay-ari ng lupa. Nakakalungkot man sabihin, kahit na hindi sang-ayon ang iba’t ibang tribo pati na rin ang mga grupong nagpoprotekta sa kapaligiran, ang proyekto ay nakatanggap ng clearance mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Si Castro, isa sa mga anthropologists ng proyekto, ay nagdesisyong ‘wag itong lagdaan dahil ang proyektong ito ay hindi nakatanggap ng social acceptance mula sa mga taong nakatira sa lupa. Ayon sa mga sulat ng petisyon na kanyang natanggap mula sa tribo, and konstruksyon ay sisirain din ang iba sa kanilang mga sagradong lugar (e.g. Tinipak Cave and Tinipak River) kung saan nagaganap ang mga ritwal at misa.


Ang Kasalukuyang Kalagayan

Sa kasalukuyan, ang tribo ng Dumagat-Remontado ay nag-aalala sa kinabukasan ng lupa ng kanilang tribo dahil maaari nitong ipahamak ang susunod na henerasyon. Ayon sa conversationist group Harribon, halos 126 na uri ng hayop na nakatira sa Sierra Madre, kasama na ang nanganganib na Philippine Eagle. Dagdag pa rito, halos 300 ektarya ng lugar ng kagubatan ay inaasahang laging babahain.


Sabi ng Commission on Human Rights (CHR) noong Nobyembre 2019, dahil sa malaking epekto ng Kaliwa Dam sa kinabukasan ng tribo ng Dumagat-Remontado, sila ay karapat-dapat na makatanggap ng lahat ng impormasyon tungkol sa proyekto, pati na rin ang kumpletong pahintulot upang makipag-ayos o hindi sumang-ayon sa proyekto.


2 views0 comments

Recent Posts

See All

Ang Pfizer Pill

Ang kasalukuyang sitwasyon sa malawakang pagbabakuna ay nagbigay-liwanag sa isang bagong problema. Matapos maibigay ang mga booster shot,...

Comments


bottom of page