top of page
Search

Bakuna para sa Kabataang Pilipino

Mga bakuna ay siguradong ligtas para sa kabataan


Kamakailan, si Health Secretary Francisco Duque III ay naglabas ng pahayag tungkol sa pamamahala ng bakuna para sa mga kabataang may edad 18 pababa. “I, for one, supply permitting, I wouldn’t mind that we should already start vaccinating children for as long as, first, we prioritize those with comorbidities.” Ang Center of Disease Control o CDC ay nagrekomenda na ang bakunang Pfizer-BioNTech ay magamit para sa mga kabataang may edad 12 hanggang 17. Hindi nila inirerekomendang magbigay ng ibang brand ng doses katulad ng Moderna at Sinovac dahil ito ay hindi pa aprubado na gamitin para sa kabataan.


Mga benepisyo ng pagpapabakuna sa kabataan


Ayon sa CDC, “Widespread vaccination is a critical tool to help stop the pandemic. People who are fully vaccinated can resume activities that they did prior to the pandemic.” Para sa mga estudyanteng may edad 18 pababa, maaari itong magresulta sa pagbabalik ng mga karaniwang gawain bago mangyari ang pandemya, isa sa maraming aktibidad ay ang pagkakaroon ng face-to-face classes. Makikita sa kanilang website, ang CDC ay inirerekomenda na ang mga kabataang may edad 12 pataas ay magpabakuna, at para na rin masiguro ang publiko na kahit may mga minor side effects katulad ng pagsakit ng ulo, lagnat at pagkakaroon ng sakit sa braso, walang malaking epekto o panganib sa mga kabataang may edad 18 pababa.


Ang Kalihim ng DepEd na si Leonor Briones ay umamin din na ang Pilipinas lamang ang natitirang bansa sa Southeast Asia ang hindi pa bumabalik sa face-to-face classes. “We are the only one, for example in Southeast Asia, that has yet to resume face-to-face because what happened was, with the UK variant, the President worried about sending the children back to schools.” Ngunit kung mas marami sa mga kabataan ang mababakunahan, mas magiging makatotohanan ang pagkakaroon ng face-to-face classes.


Kasalukuyang kalagayan ng pagpapabakuna sa Pilipinas

Noong August 9, 2021, ang Pilipinas ay matagumpay na nangasiwa ng halos 25,000,000 vaccine shots. May humigit-kumulang 13,000,000 ang nabigyan ng unang dose at halos 12,000,000 naman ang nabigyan ng dalawang dose. Ang mga senior citizens at ang mga taong may comorbidities ay nananatiling pangunahing prayoridad ng gobyerno sa pamamalakad ng mga bakuna. Ngunit, ang mga kabataang may edad 18 pababa ay hindi pa pinapayagang bakunahan sapagkat ang gobyerno ay nagsasagawa ng mga proseso upang masiguro ang kaligtasan ng mga bakuna na gagamitin sa mga menor de edad. Dahil karamihan sa mga kabataang Pilipino ay naghihintay upang makatanggap ng bakuna, marami ang nagpatuloy na dumalo sa online classes habang ang karamihan sa ibang bansa ay bumalik na sa pagkakaroon ng face-to-face classes. Napakahalagang makatanggap na ng bakuna ng COVID-19 ang mga kabataan upang makabalik na sila sa buhay bago pa man mangyari ang pandemya.


 
 
 

Recent Posts

See All
Ang Pfizer Pill

Ang kasalukuyang sitwasyon sa malawakang pagbabakuna ay nagbigay-liwanag sa isang bagong problema. Matapos maibigay ang mga booster shot,...

 
 
 

Comments


©2021 by ALAB.

bottom of page