Sa pagpapatuloy ng pagsasagawang pagpapabakuna sa iba’t ibang parte ng mundo upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, problema na may kinalaman sa lugar na pinaglalagyan at pagpapanatili nang bisa nito ay nararanasan nang nakararami. Upang masolusyonan ang isyung ito, ang ibang siyentista ay nagsimulang maghanap ng ibang alternatibo sa mga bakuna upang mapadali, at kasabay nito, maging epektibo tulad ng tradisyonal na bakuna.
Ano ang skin patch?
Ang solusyon na lumitaw sa lahat ng mga ito ay ang nilikha ni Dr. David Muller at ang kanyang mga kasama, ang COVID-19 skin patch. Ang isang sentimetrong patch ay naglalaman nang maliliit na plastik na spikes na may bilang na 5000 na pinalilibutan ng tuyo na formula ng bakuna na mas mabisa kumpara sa likidong anyo nito.
Upang maisagawa ang bakuna, ang patch ay dapat na idikit sa unang lebel ng balat, kumpara sa tradisyonal na bakuna na gumagamit ng karayom at makakasakit sa balat ng tao. Dagdag pa rito, sinabi ni Dr. Muller ang mga taong may matataas ang pagsasanay sa propesyonal na medikal ay hindi kinakailangan upang magawa ang pagpapabakuna dahil sa simple lang ang proseso nito.
Ayon kay Dr. Muller, ang patch na ito ay makapagbibigay ng mas malakas na resistensya dahil sa mataas ang numero ng immune cells na nakalagay sa balat. Sa paraang ito, anim lamang ang lamang ng kinakailangan ng normal na bakuna upang makapagbigay nang malakas na resistensya.
Bakunang HexaPro
Sa ngayon, ang mga skin patches ay sinusuri pa sa ibang brand ng bakuna na tinatawag na Hexa Pro. Kumpara sa ibang tatak, ang bakunang HexaPro ay nakalagay sa lugar na may temperaturang 25°C kapag ito ay iimbak sa isang buwan at 40°C naman kapag iimbak sa isang linggo.
Kapag ipaghahambing sa bakunang Pfizer, halimbawa, ito ay kailangang mailagay sa lugar na may temperaturang nasa gitna ng 2°C at 8°C sa isang buwan, ang bakunang HexaPro ay mas madaling iimbak dahil sa temperatura nito na mas mataas nang kaunti sa temperatura sa isang silid.
Pagsusubok ng mga Bakuna
Sa ngayon, ang patch ay sinubukan pa lamang sa mga daga. Ang mga taong nabigyan na ng patch ay mas nakapaglinang nang maraming antibodies ng coronavirus kumpara sa mga taong nabakunahan matapos ang unang dose.
Ang pagsusubok sa tao ay magsisimula sa buwan ng Abril sa susunod na taon. Kapag ito ay naaprubahan, ang mga vaccine skin patches na ito ay maaaring makapagbago nang ating mundo at tuluyang maresolba na ang pandemya.
Comments