Dalawa patay, isa sugatan sa pagpapasabog ng NPA
- Gabe Tumanan
- Jun 18, 2021
- 3 min read
Keith Absalon kasama ang kanyang pinsan ay namatay sa Masbate
Dating Far Eastern University (FEU) footballer na si Keith Absalon, kasama ang kanyang pinsan at pamangkin, ay nagbibisikleta noong ika-10 ng Hunyo nang biglang sumabog ang isang Improvised Explosive Device (IED) na naging sanhi ng pagkamatay ni Keith at ng kanyang pinsan, sugatan ang 16-anyos na pamangkin ni Keith. Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang magpinsan ay binaril din. Patuloy na nangangalap ng impormasyon ang mga awtoridad kung ano ang sanhi ng pagkamatay nila, kung ang pagsabog o ang pagbaril. Ang Partido Komunista ng Pilipinas o Communist Party of the Philippines (CPP) at ang Bagong Hukbong Bayan o New People’s Army (NPA) ay mananagutan sa pagkamatay ng magpinsan at humingi na ng paumanhin sa pamilya ng biktima.
Ayon sa Artikulo 1 ng Ottawa Treaty (kilala bilang Mine-Ban treaty), “Each State Party undertakes never under any circumstances to use anti personnel mines.” Ang pagtatanim ng landmines ay isang paglabag sa international humanitarian law sapagkat wala itong kakayahan upang matukoy ang mga sundalo at mga sibilyan. Ang gobyerno ng Pilipinas at ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas o ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagkondena sa Bagong Hukbong Bayan o New People’s Army (NPA) dahil sa paglabag ng international law at nais patawan ng parusa sa mga taong sangkot.
Sino ang Bagong Hukbong Bayan (New People’s Army)?
Ang NPA ay isang armadong kabalikat ng CPP, isang Maoist group na nabuo noong 1969, na may layunin na ibagsak ang kasalukuyang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng armadong pag-aalsa. Noong nasa ilalim ng kapangyarihan ni Marcos noong taong ‘80s, ang NPA ay umabot ng 20,000 na aktibong miyembro, ang rurok ng bilang ng kanilang miyembro. Sa paglipas ng panahon, ang kanilang bilang ay unti-unting nabawasan at kasalukuyang nasa 4,000. Itinalaga ng kontrobersyal na Anti-Terrorism Council (ATC) ang Partido Komunista ng Pilipinas o Communist Party of the Philippines at ang armadong kabalikat na Bagong Hukbong Bayan o New People’s Army, bilang isang organisasyon ng mga terorista, ngunit hindi pa sila kilala bilang terorista ng kahit anong international governing body.
Sino ang mga biktima?
Si Keith Absalon ay isang iskolar at midfielder sa Far Eastern University (FEU) men’s football team. Naglaro rin siya para sa Malaya FC at kinatawan ang ating bansa sa iba’t ibang international tournaments. Ang kanyang dating samahan ay nagdadalamhati sa pagkawala ng isa sa mga napakahusay na manlalaro ng football sa ating bansa. Ang kanyang pinsan, Noven Absalon, ay isang union leader na may isang 16-anyos na anak na nagtamo ng pinsala dulot ng pagsabog.
Implikasyon
Ang Southern Luzon Police Chief na si Lt. General Antonio Parlade Jr. ay nagmungkahi na isailalim sa Police Control ang Masbate dahil sa nangyaring insidente. Sa isang panayam kasama ang CNN Philippines, saad ni Parlade, “Talagang we have to do something. In fact, I have been talking to Secretary Año (Interior Secretary) and Secretary Esperon (National Security Adviser), saying, “Sir, we would like to recommend that this place be put under police control.”
Dahil ang gobyerno ng Pilipinas ay pinupuna sapagkat ginagamit ang mga komunista upang maging rason sa pang-aabuso ng kanilang kapangyarihan, katulad na lamang ng mga “red tagging” ng mga aktibista at iba’t ibang indibidwal, gagamitin kaya ang insidenteng ito upang pangatwiranan ang bawat kilos ng administrasyon at himukin sila na magsagawa ng batas na maaaring makita bilang galaw ng isang nagaganap na diktadorya?
ความคิดเห็น