top of page
Search
Princess Chan

DepEd: Ang pagbabalik ng pisikal na pagkaklase

Ang Department of Education (DepEd) ay inaprubahan ang pilot run ng limited face-to-face classes sa ilang paaralan na mababa ang kaso ng COVID-19, ito ay magsisimula sa pangalawang akademik kwarter. Ang mga nominadong paaralan ay sinusuri ng mga health officials at child experts bago payagang gawin ang aksyon.


Ang pilot run na ito ay magtatagal nang dalawang buwan, simula Nobyembre 15, 2021 hanggang January 31, 2022. Depende sa resulta ng pilot run, ang layunin ng DepEd na mapalawak ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes ay sa Marso 7, 2022.


Mga Panuntunan


Ang Department of Health (DOH) at DepEd ay nagtulungan sa pagpirma ng Joint Memorandum Circular (JMC), ito ang magsisilbing gabay ng DepEd sa pagpapabukas muli ng mga eskwelahan. Ligtas na operasyon, pagtuturo at pagkatuto, kasama ang mga pinaka marginalized, at ang kaligtasan at proteksyon ang apat na pinakaimportanteng usapin para sa JMC kaya rito sila tumutok.


Sa ilalim ng “ligtas na operasyon”, pinakamataas ang 120 na bilang ng paaralan ang mapipili para sa pagsubok: 95 na paaralang pang-elementarya, 5 senior high schools, at 20 paaralang pampribado. Ngayong Oktubre, 90 na pampublikong paaralan ang pinayagan mula sa target na 100 upang isagawa ang limited face-to-face classes.


Sa ilalim ng “pagtuturo at pagkatuto,” ang pinakamataas ng bilang ng klase ay 12 sa kinder, 16 para sa Grades 1 hanggang 3, 20 sa Grade 4 hanggang senior high school (SHS), at 12 sa SHS sa workshops at laboratoryo ng TVL. Ang blended learning approach ay ipapatupad din: pagpapalitan ng diretsong face-to-face at isang linggo ng diretsong distance learning. Lahat ng lebel ay maaaring tumagal nang 4.5 oras sa eskwelahan, maliban sa kindergarten dahil sila ay hanggang 3 oras lang. Ang mga group works na kinakailangan ng close contact at large gatherings at activities ay matinding ipinagbabawal.


Sa ilalim ng “kasama ang mga pinaka-marginalized,” mga estudyante na may sakit at mga nahihirapang matuto ay kinikilala. Kasama rito ang mga displaced persons (IDPs), mga batang may kapansanan, at maralitang bata.

Sa ilalim ng “kaligtasan at proteksyon,” mental, emosyonal at ang pisikal na pangkalusugan ay pinahahalagahan at mino-monitor. Ang paaralan ay kinakailangang suriin ang mga vaccination records ng mga bata. Ang mga guro at empleyo na kasama sa pagsusubok ay dapat na matagumpay na nabakunahan. Ang mga magulang ng mga batang kasama ay pipirma ng consent form; partisipasyon sa limited face-to-face classes ay sa pamamagitan ng pagboboluntaryo.


3 views0 comments

Recent Posts

See All

Ang Pfizer Pill

Ang kasalukuyang sitwasyon sa malawakang pagbabakuna ay nagbigay-liwanag sa isang bagong problema. Matapos maibigay ang mga booster shot,...

Comments


bottom of page