Itinaas ang bandera ng mga Pilipino ni John Arcilla sa pagkapanalo niya ng best actor award sa 78th Venice Film Festival na ginanap nitong Linggo, Setyembre 12, 2021. Siya ay nakatanggap nung titulo na iyon sa kanyang pagtatanghal sa ‘On The Job: The Missing 8,’ ang nag-iisang Pilipinong produksyon sa Venice International Film Festival ngayong taon, kasama sa mga pinakamagagaling na aktor sa buong mundo.
Nakatanggap ng rekognisyon dahil isa sa dalawang pelikulang Pilipino ang ipinalabas sa 2020 Tokyo International Film Festival, ang ‘Fan Girl’ ay isa sa mga nangunguna dahil sa pabagu-bago nitong plot at ang mahusay na direksyon. Ang pelikulang ito ay nag-uwi ng siyam (9) na malalaking parangal sa 2020 Metro Manila Film Festival na ginanap noong Disyembre 27, 2020.
Ano ang "film festivals"?
Ito ay parang sinehan, ngunit mas malaki ang sakop, mahuhusay na motions pictures na sinusuri ng mga madla na punong-puno ng mga makakapangyarihang personalidad, award-winning figures, mga potential investors, at ang mga film fanatics.
Ang film festivals ay ang nagsisilbing plataporma para sa napakaraming pelikula na ipinalalabas sa isang lugar sa magkakasunod na araw, karamihan sa mga parangal ay ibinibigay base sa iba’t ibang kategorya, depende sa lugar at ang antas. Ngunit, may pagkakaiba ang mga naglalaban at ang ipinalalabas; ang programa ay binubuo ng main competition, out-of-competition, short films, special screenings, at marami pang iba.
Cannes, Berlin, at ang Venice ang tatlong pinaka-prestihiyosong film festival sa buong mundo. Dagdag pa rito, ang mga international film festivals ay hiwalay rin base sa kategorya ng A-lists at B-lists. Nationwide, regional, at inter-school film festivals ay mayroon din. Ang layunin ng mga film festivals ay mabigyan ng plataporma at isang oportunidad sa mga mahuhusay, independent, at studio-backed na mga pelikula upang makilala sa merkado at sa industriya mapa-lokal man o global.
Ang Pilipinas ay hindi pa nagsasagawa ng global film festival maliban noong taong 1982. Ang makilala sa international film festivals ay ang magbibigay ng tyansa sa ating industriya ng pelikula upang lumawak ang kagiliran para matutunan ang iba’t ibang kultura, teknik, at ibang pelikula. Ang mga pelikulang Pilipinong na napipili na makapasok sa mga prestihiyosong international film festivals ay isang makahulugang milyahe, kaya naman ang mga art films ay dapat na iniinvest-an.
Sa konteksto ng pandemya
Ang diwa ng film festivals ay mas ma-appreciate kapag ang mga filmmakers, distributors at kritiko ay nagkakaroon ng diskusyon tungkol sa mga artistic developments ng produksyon. Ngayong pandemya, ang pisikal na interaksyon ay limitado at ang mga aktibidad ay dapat na ginaganap sa onlayn. Kaya naman ang kabuuang karanasan ng isang tao upang makanood sa film festivals ay nabawasan.
Ang kauna-unahanang simula noong itinatag ito taong 1975, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ay naging online ngayon 2020 alinsunod sa mga regulasyon ng gobyerno. Ngunit, ang MMFF ay nagkansela ng 2021 summer festival dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa kasamaang palad, ang mga pelikulang pinalalabas sa online ay madaling kapitan ng mga pirata. Nitong 2020 MMFF, mayroong labing-walong (18) tao ang inakusahan na ‘di umanong lumabag sa RA 9239, and Optical Media Act, at RA 8293 o ang Intellectual Property Code.
Dahil sa walang kasiguraduhan ang pagkakaroon ng pisikal na panonood ng film festivals sa ating bansa, ang pinakamatandang film festival sa buong mundo ay nagsagawa ng anti-COVID protocols dahil sila ay nagbukas ng lugar para sa 11-day na programa ng 78th Venice International Film Festival.
Comments