top of page
Search

Kawalan ng Seguridad ng mga Pilipino sa Bakuna ng COVID-19

Ngayong nagsimula na ang pamimigay ng mga bakuna ng COVID-19, maraming pag-aaral ang naalarma sa dami ng bilang ng mga Pilipinong hindi sang-ayon sa pagpapabakuna. Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng Pulse Asia noong Pebrero 2021, 61% ng mga respondente ay tumangging magpabakuna ng COVID-19; ito rin ay katulad ng resulta noong January 2021 na kung saan 47% ang hindi gustong magpabakuna.


Mga Posibleng Rason


Ayon sa sarbey ng Pulse Asia, karamihan sa mga respondente ay may tatlong pangunahing rason sa pagtangging magpabakuna: 84% ay nababahala sa kanilang kaligtasan sa pagpapabakuna, 7% naman ang nagsabing maaaring hindi mabisa ang bakuna, at 6% ang nagsabi na hindi na nila ito kailangan.


Nabawasan ang tiwala ng mga Pilipino sa mga bakuna mula sa 93% noong 2015 naging 32% noong 2018 dahil sa isyu ng DengVaxia, kung saan sangkot ang isang French pharmaceutical company, Sanofi, na lumikha ng dengue fever vaccine. Noong 2016, ang dengue fever vaccine, mas kilala bilang DengVaxia, ay inirekomenda ng World Health Organization (WHO) bilang isang mabuti at mabisang bakuna. Subalit, pagkatapos ng isang taon, isang pahayag ang nailabas na pagkatapos mabakunahan ng Dengvaxia, ang mga batang hindi pa nakakukuha ng Dengue Fever ay mas malaki ang posibilidad na madala sa ospital o kaya naman makakuha ng malalang kaso ng Dengue Fever. Bagaman wala pang matibay na ebidensya, karamihan sa publiko ay bumuo na ng sariling opinyon na Dengvaxia ang may obligasyon sa pagkamatay ng tatlong bata, at dahil dito maraming tao na nabakunahan ang nag-aalala sa kanilang kalusugan.


Kagustuhan ng Brand


Nalaman din sa sarbey kung ano ang pangunahing kagustuhan na brand sa mga bakuna. Mayroong 52% ay gusto ng Pfizer, 22% ang Sinovac, AstraZeneca ay 6%, Gamaleya Research Institute ay may 3%, samantalang Johnson & Johnson, Sinopharm, at Moderna ay nakakuha ng 1% ng populasyon na handang magpabakuna.


Sa kasalukuyan, ang Emergency Use Authorization (EUA), kung saan pinapabilis ang kakayahang magamit ang mga unregistered at bagong likhang mga bakuna o kaya naman ang mga gamot na mahalaga ngayon sa international public health emergencies, ay pinayagan na ng FDA ng mga sumusunod na brand ng bakuna ng COVID sa bansa: Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, Sputnik V, Johnson & Johnson, Covaxin, at Moderna.


Sa araw ng June 13, 2021, may bilang ng 251 ang namatay, karamihan ay may kinalaman sa pagkakaroon ng marami at dating mga may sakit o comorbidities. Wala pang natatanggap na kaso na may direktang kinalaman sa mga bakunang ginagamit. Sa kabilang dako, may kabuuang 42,879 ang kaso na may 97,624 and sinususpetsahan na may adverse reaction na natanggap simula noong nagsimula ang programa ng pagpapabakuna. Mas marami sa isa ang sinususpetsahan ng adverse reaction sa isang kaso.


Ang Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health (DOH) ay binigyang diin na ang lahat ng bakuna ay normal na may epekto sa katawan ng tao; ngunit, malala at nakamamatay na mga reaksyon ay bihira lamang. Lahat ng mga taong nabakunahan na ay binabantayan ng mga health professionals upang maiwasan ang panganib.


Benepisyo ng Gobyerno


Sa araw ng June 20, 2021, 2.1 milyong tao ang matagumpay na nabakunahan. Ang target ng gobyerno ay 70 milyong mga Pilipino ang mabakunahan.


Ang Kagawaran ng Paggawa at Empleyo o Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagsagawa ng mga benepisyo upang himukin ang mga manggagawa na magpabakuna. Simula July 1, 2021, mamimigay sila ng mga libreng bisikleta, na may bag at selpon, na may kasamang 5,000 pesos worth of load na sakop ng ‘Baksikleta program’ na kasama sa A4 category.

 
 
 

Recent Posts

See All
Ang Pfizer Pill

Ang kasalukuyang sitwasyon sa malawakang pagbabakuna ay nagbigay-liwanag sa isang bagong problema. Matapos maibigay ang mga booster shot,...

 
 
 

Kommentare


©2021 by ALAB.

bottom of page