top of page
Search
Sean Imperial

Nagkulang ang Presyo ng PPE ayon sa Audit ng DOH

Ano ang sanhi ng paglilitis ng Blue Ribbon Committee?


Sa isang kamakailang pag-audit ng Commission on Audit, may natagpuang mga kakulangan sa perang pampinansyal ng Department of Health na nagkakahalagang 67 milyong peso. Ayon sa balita, maraming kulang-kulang na pagdodokumento at ang proseso ng pagkuha ng mga kinakailangang kagamitan ngayong pandemya. Ang ibang funds ay ginamit sa mga kagamitan na hindi pa nagagamit o kaya naman hindi pa nagamit agad habang ang karamihan naman sa mga funds ay hindi pa nagagamit.


Sa opisyal na anunsyo ng COA, sinabi rito na, "Various deficiencies involving some ₱67,323,186,570.57 worth of public funds intended for national efforts of combating the unprecedented scale of the COVID-19 crisis were noted."


Ano ang Pharmally?


Ayon sa rekord ng Securities and Exchange Commision (SEC), ang Pharmally ay isang rehistradong kompanya simula noong Septyembre 4, 2019.


Simula noon, ang Pharmally ay hindi kumikita at may balita na sila ay nalugi nng P25,550 taong 2019. Nitong nagkaroon lang ng pandemya lang sila nagkaroon ng kita na humigit-kumulang 7.5 bilyong pesos matapos makakuha ng kontrata nang pagsusuplay sa DOH ng PPEs na nagkakahalagang 8.68 bilyong peso. Noong panahong iyon, ang Pharmally ay mayroon lamang P650,000 para sa kapital, ngunit nagamit nila ito upang magsuplay sa DOH ng PPEs nang walang problema, at ibenta ito nang doble ang presyo ng PPEs. Ayon sa former chair ng Presidential Commission for Urban Poor na si Terry Ridon, ang Pharmally ay maaaring maging middleman - hindi gaanong kahalaga sa mga transaksyong katulad nito - sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ang mga Tsinong businessmen. Dagdag pa rito, mayroon silang mga kakulangan sa tax na dapat, sa una pa lang, hindi pasok sa mga kwalipikasyon upang makadalo sa isang government-sponsored bidding. Hindi sila nagbabayad ng 2% ng tax para sa gobyerno at ang 5% VAT na dapat nabayaran na nila noon pa man.


Noong nagaganap ang Blue Ribbon Committee na meeting na dinalo ni Senate Minority Leader na si Franklin Drilon, nadiskubre na may subpoena na direktang konektado sa kumpanya ay hindi naipdala dahil ayon sa mga security guards ng gusali na matatagpuan ang mga opisina, ang SEC-registered na opisina ay bakante simula noong 2018.


Ano na ang mangyayari ngayon?


Ang mga warrants of arrest ay ibinigay sa limang executives ng Pharmally, sina Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Linconn Ong, Justine Garado, at ang former presidential finance adviser ni Presidente Duterte na si Michael yang, dahil ang paglilitas ay nagaganap pa rin. Si Michael Yang ay hindi dumadalo sa mga paglilitis ngunit nagsabi rin na siya ay dadalo sa susunod na paglilitis.


Ang ‘di umanong overpricing ng PPEs ay isa sa mga epekto nang pag-abuso ng mga funds na ibinibigay sa DOH nitong pandemya. Ang Senate Blue Ribbon Committee ay patuloy na magbibigay ng katotohanan sa paglipas ng mga paglilitis.


6 views0 comments

Recent Posts

See All

Ang Pfizer Pill

Ang kasalukuyang sitwasyon sa malawakang pagbabakuna ay nagbigay-liwanag sa isang bagong problema. Matapos maibigay ang mga booster shot,...

Comentarios


bottom of page