top of page
Search

Nais ng Malacanang na Gawing Armado ang mga Anti-Crime Volunteers

Updated: Jul 6, 2021

Talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte


Sa talumpati ni Pangulong Duterte noong inilunsad ang Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at Force Multipliers na programa ng PNP, sinabi niya sa mga miyembro na, “If you want to participate in the prosecution of the crime, you can have a - a gun; and if you are qualified, I will ask the police to give you the license.”


Sinabi rin sa talumpati ang kagustuhan ng Pangulong Duterte na himukin ang mga mamamayan na makilahok sa pag-uusig ng mga krimen, at inalok pa nito na magbigay ng sermon tungkol sa “the law on arrest, search, and seizure.” Idiniin ni Pangulong Duterte na ang mga boluntaryo ay dapat na sumunod sa batas at gamitin lamang ang armas upang protektahan ang sarili.


Tugon ng Lahat ng Panig


Nang lumabas sa publiko ang talumpati, lumabas ang samu’t saring opinyon. Ang CHR ay nangangamba sa resulta nito na maaaring umaambag sa paglala ng estado ng karapatang pantao sa ating bansa Ayon sa CHR spokesperson na si Jacqueline De Guia, ang pagkukusang ito ay maaaring dumagdag sa paglala ng karapatang pantao sa Pilipinas dahil sa sa kakulangan ng kwalipikasyon, nararapat na pagsasanay, at ang dedikasyon ng mga sibilyang nag boluntaryo. Binanggit din niya na ang panukalang ito ay hindi alinsunod sa saligang batas, dahil isa lamang dapat ang puwersa ng pulisya sa ating gobyerno para sa buong bansa, at ang pagdagdag ng mga armadong grupo ng mga boluntaryong sibilyan ay isang paglabag sa batas na ito.

Bukod sa CHR, sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo na ang pagbibigay ng armas sa grupo ng mga sibilyan ay delikado at hindi epektibo. Inirekomenda niya na gawing parte ng gobyerno ang mga grupo ng mga sibilyan upang makabuo ng epektibo at mas mababawasan ang mga kaso ng krimen. Sa kabila nito, naniniwala siya na ang ang pagpapatakbo sa isang bansa gamit ang takot ay hindi mabisa, at ang sibilyan ay dapat na kakampi ng gobyerno, hindi ang nakikinabang.

Pati ang mga senador na sina Frank Drilon at Risa Hontiveros ay tutol sa panukalang ito dahil naniniwala sila na maaari itong maging daan sa paglabag ng maraming karapatang pantao. Si Senator Drilon ay nagsabi na ang mungkahing ito ay nagbibigay ng impresyon na ang PNP ay hindi sapat upang protektahan ang sambayanang Pilipino. Upang ipagtanggol ang pangulo, inilahad ni PNP Chief Eleazar ang mga pangangamba sa posibleng paglabag at idiniin na ang mga boluntaryo ay tatratuhin bilang regular na sibilyan at makakakuha ng lisensya upang makapag may-ari at magkaroon ng baril at ang pahintulot na magdala ng baril sa labas ng tahanan.


Kailangan ba ang probisyon?


Sa konteksto ng pandemya, inihayag ng DOJ na ang armadong grupo ng sibilyan ay hindi kailangan at delikado, dahil ang kaso ng mga krimen ay mababa, liban sa mga popular na krimen na may kinalaman sa baril.


Bukod pa rito, ang kasiguruhan ng publiko na dadaan sa wastong proseso ang armadong boluntaryong sibilyan ay maaaring hindi sapat. Ito ay dahil sa isang global na pag-aaral ng University of Sydney, ang pagkokontrol ng mga baril sa Pilipinas ay maaaring masyadong maluwag. May humigit-kumulang 2.6 hanggang 3.4 milyong baril na pagmamay-ari ng pribadong indibidwal ang naitala sa isang pananaliksik, at 726,000 hanggang 2 milyon ang iligal na pagmamay-ari. Kahit na ganito kataas ang bilang ng mga taong may iligal na pagmamay-ari ng baril, ang sestensiya ng paglabag nito ay karaniwang 10 taon. Kaya naman kahit na sinabi na ng Presidential spokesperson na ang panukalang ito ay hindi pa ganap ng polisiya, ang posibilidad na magkakaroon ng grupo ng armadong sibilyan na may kapangyarihang hindi naaayon sa saligang batas ay may kakayahang mag-aresto ng mga indibidwal ay nakakapanlumo sa kinabukasan ng ating mga kababayan.


Recent Posts

See All
Ang Pfizer Pill

Ang kasalukuyang sitwasyon sa malawakang pagbabakuna ay nagbigay-liwanag sa isang bagong problema. Matapos maibigay ang mga booster shot,...

 
 
 

Comments


©2021 by ALAB.

bottom of page