Ang kasalukuyang nagaganap na programa nang pagpapabakuna sa ating bansa ay nakatulong sa pagpapataas ng immunity sa sambayanang Pilipino laban sa malalang sintomas dulot ng virus. Ngunit, dahil sa pagbabago ng virus at ang pagkakaiba ng immune system nang bawat tao, ang mga bakuna ay nagiging ‘di na gaanong epektibo.
Ano ang booster shots?
Ang booster shot ay ang dagdag na doses ng bakuna na tinatanggap ng isang tao. Dahil sa patuloy na pag-mutate ng virus, ang mga bakuna ay hindi na gaanong epektibo. Ang isang booster shot ay ang magsisilbing dagdag na proteksyon.
Ang suhestiyon na booster shots ay ang pinaniniwalaang mahalagang sangkap upang malabanan ang nakahahawang variants ng coronavirus; kasama na rito ang alpha, beta, at ang delta.
May isang pag-aaral na isinagawa sa mga medical personnels sa walong lugar sa anim na iba’t ibang states sa United States noong Disyembre 2020 hanggang Agosto 14, 2021 ay nagpakita na ang delta variant ang nagpabawas ng pagiging epektibo ng mga bakuna mula sa 91% naging 66%.
Naniniwala ang mga eksperto na ang pagbawas ng pagiging epektibo ay hindi lamang nakasalalay sa isang paktor dahil maaari ring maging sanhi ang mga precautionary measures. Sa pagtaas ng mga kaso, patuloy ang mga eksperto sa pagpapaalala sa mga taong matagumpay na nabakunahan na hindi pa rin sila ganap na immune sa virus at anyayahan silang mag-ingat pa rin.
Gumagana ba ang mga vaccine boosters?
Ang Israel ang unang bansa na pinahihintulutang gumamit ng vaccine booster shots sa mga matatanda at sa mga adults na mahina ang immune systems.
Noong dumating na ang delta variant sa Israel noong Hunyo, ito ay ang naging sanhi nang pagtaas ng kanilang kaso. Upang gumawa ng aksyon, pinayagan ng Israel na mag-distribute ng pangatlong dose ng Pfizer noong July 30 sa mga senior citizens. Noong August 19, pinalawak pa nila ito ay binigyan ang 40-year-olds pataas na nakatanggap na ng pangalawang dose sa nakalipas ng limang buwan.
Pagkalipas ng buwan at mga araw nang pag-momonitor, ang mga Israeli na siyentista ay naniniwala na ang mga booster shot ay ang magiging daan upang bumaba ang rate of transmission. Ang pagbaba ng mga kaso na may kinalaman sa pagkalat ng mga sakit ay nakikita sa mga senior citizens na nakatanggap ng booster shots. Habang marami pa rin ang mga aktibong kaso, ang rate of infections at ang malalang kaso ay bumababa.
Paghahalo at pagtutugma ng mga Bakuna
Ang Cambodia at ang Chile ay pumayag na mag-distribute ng pangatlong dose ng AstraZeneca sa mga taong nakatanggap ng bakunang Sinovac at Sinopharm. Dahil kakaunti lamang ang clinical trials and data tungkol sa kaligtasan sa paghahalo at pagtutugma ng mga bakuna, ang Pilipinas ay napili na hindi ito sundin hanggang sa magkaroon na ng kapani-paniwala at maraming data ang naisawalat. Ngunit, ang mga naunang findings ay nagpakita na ang paghahalo at pagtutugma ng mga bakuna ay maaaring magdagdag ng mga side effects.
Ang Prayoridad ng Pilipinas
Ang Pilipinas ay nakararanas ng isa sa pinakamalalang pagsiklab ng COVID sa buong Asya. Ang bansa ay matagumpay na nabakunahan ang humigit-kumulang 13 milyong tao, ito ay 11.7% lamang sa buong populasyon ng bansa.
Habang ang ibang bansa ay pumapayag na gamitin ang booster shots, ang Pilipinas ay hindi pa ganap na nababakunahan ang buong populasyon. Ang Department of Health (DOH) ay patuloy na hindi pumapayag sa booster shots dahil sa hindi matatag na pagsusuplay ng bakuna sa ating bansa at ang kakulangan ng ebidensya na ito ay epektibo.
Ang MMDA rin ay nagbigay ng babala sa mga taong gustong makatanggap ng booster shots dahil kung sila ay nagpumilit, sila ay makukulong. Ang gobyerno ng Quezon City ay nagsampa na ng reklamo laban sa dalawang taong ganap na nabakunahan na nakatanggap booster shot.
Habang wala pa palang plano sa pag-didistribute ng booster shots ngayong taon, ang Pilipinas ay naglaan na ng PHP 45.3 bilyon para rito na sakop ng 2022 budget kung sakaling kailanganin.
Comments