Ang Certificate of Candidacy (COC)
Ang COC, o tinatawag ding Certificate of Candidacy, ay isang pormal na sulatin upang ilatag ang karanasan at ang mga kredibilidad ng isang politikal na kandidato sa hinahangad na populasyon. Ito ay sinasagutan upang mabanggit kung ano ang dahilan ng kandidato kaya siya ay tumakbo para sa pampublikang opisina, at para na rin makompirma ang kanyang anunsyo sa pagtatakbo.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang isang tao ay maaaring magpasa ng COC sa loob ng isang time frame upang makompirma ang pagiging karapat-dapat sa kahit anong elective public office. Ang Komisyon sa Halalan (COMELEC) ay ang may kapangyarihan upang magpataw at pahabain ang deadline sa paghahain ng COC.
Ang COC forms ay maaaring makita sa pamamagitan ng COMELEC Website at sa loob ng mga opisina ng COMELEC. Matapos ito, and mga COCs ay dapat na ipasa sa isang tiyak na opisina, ayon sa Section 17 ng COMELEC Resolution No. 10420, depende sa posisyon na nais takbuhin ng isang aplikante.
Ang Paghahain ng COC ≠ Opisyal na Kandidato
Ang paghahain ng COC ay hindi ibig-sabihing siya ay isang kandidato na. Ang COMELEC ay sinusuri muna ang mga nagpasa at tinitignan kung sila ay maaaring tumakbo. Matapos masuri ang mga COCs, ang COMELEC ay gumagawa ng listahan ng opisyal na mga kandidato.
Ang mga nais maging aplikante ay p’wedeng magpasa hanggang Oktubre 8, 2021, upang ipasa ang kanilang aplikasyon. Ang pansamantalang listahan ng mga kandidato para sa eleksyon sa 2022 ay ibibigay sa Oktubre 29, 2021. Ang listahan ay makikita sa COMELEC website at sa mga opisyal na opisina ng COMELEC kung saan nagpasa ng mga COCs.
Pag-dedeny ng COC
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang COC ay maaaring kanselahin at i-deny kapag ang isang kandidato ay gumawa nang hindi totoong impormasyon.
Ang material representation ay tumutukoy sa kwalipikasyon para sa mga elective office. Kasama rito ang edad, kung saan nakatira, pagiging rehistrado bilang botante, at ang citizenship. Importante na dapat ang propesyon at ang paggamit ng ibang pangalan liban sa nakasulat sa birth certificate na naipasa ay hindi isa sa mga batas upang kanselahin ang COC dahil hindi sila kwalipikado upang tumakbo sa isang elective office.
Ang petisyon upang kanselahin ang COC ay dapat maipasa sa loob ng limang araw mula sa huling araw ng paghahain ng COC, ngunit hindi dapat matapos 25 na araw.
Substitusyon ng Kandidato
Ang substitusyon sa isang kandidato ay maaari lamang mangyari kapag namatay, nag-withdraw, o kaya naman hindi qualified ang orihinal na kandidato, ayon sa Omnibus Election Code.
Ang mga kandidatong hindi kasapi sa kahit anong partido, o kaya naman independent, ay hindi maaaring magkaroon ng substituion. Ang substitusyon ay maaari lamang sa mga taong, nominado ng parehas na partido at ng orihinal na kandidato. Ang substitusyon ay tatanggapin kahit na ang substitute ay naging kasapi lang ng parehas na partidong pulitikal matapos ang mamatay, mag-withdraw, o kaya disqualified ang orihinal na kandidato.
Comments