PDP-Laban: Lumalaking Tensyon sa Nangungunang Partido sa Bansa
- Sean Imperial
- Jul 23, 2021
- 3 min read
Ang PDP-Laban ay kilala bilang isang leftist na progresibong partidong pampulitika na sinimulan sa katungkulan ni Marcos. Ang partido ng Lakas ng Bayan (Laban) ay itinatag ng dating senador na si Ninoy Aquino habang siya nakakulong bilang isang partido na tatakbo noong 178 sa Interim Batasang Pambansa na isang halalan na parlamentaryong panrehiyon laban sa partido ng Marcos. Kahit na malaki ang kakulangan ng political freedom noong
panahon ni Marcos, ang Laban ay nakapagtipon ng mga tagasuporta ng oposisyon na partido, ngunit sa kasamaang palad sila ay natalo sa halalan at hindi nanalo sa kahit anong national posts. Sa kabila nito, sila ay nag patuloy na tutulan ang diktador sa pamamagitan ng pagwewelga. Maraming mga pulitiko na nasa partido ay ipinatapon upang maiwasang maging bilanggo, habang ang iba naman na nanatili ay inaresto. Sa kabilang dako, ang Partido Demokratikong Pilipino (PDP) ay isa ring pangkat ng anti-Marcos na itinatag ni Nene Pimentel na isang human rights advocate at dating senador na si Aquilino Pimentel Jr., ama ng kasalukuyang miyembro ng PDP-Laban at si senador Koko Pimentel. Pagkatapos ng pagkamatay ni Ninoy Aquino noong 1986, ang Laban ay nagkawatak-watak upang sumanib sa PDP upang bumuo ng partido ng PDP-Laban.
Lumalaking tensyon para sa dalawang pangkat ng partido
Sa darating na eleksyon sa 2022, ang tensyon sa pangkat ng Energy Secretary at Party Vice-Chairman na si Alfonso Cusi at ang Party President Senador na si Manny Pacquiao ay patuloy na lumalaki. Ito ay dahil sa pangkat ni Cusi na sumusuporta sa Duterte-Duterte tandem para sa pambansang halalan kahit na nasa oposisyong partido si Sara Duterte-Carpio, Hugpong ng Pagbabago.
Sa kasalukuyan, karamihan sa bumotong miyembro sa partido ay lumagpas na sa 10,000 at ang anak ng dating lider ng partido na si Koko Pimentel ay umanib kay Pacquiao sa isyu bilang lider ng partido. Sinabihan ni Pimental si Cusi kung nais niya ng magbigay ng suporta sa outsider para sa national polls, dapat siyang maging tapat tungkol dito at bumuo ng sariling pampulitikang partido sa halip na hatiin ang PDP-Laban.
Karamihan sa mga pulitiko sa nangungunang partido, subalit, ay suportado kay Cusi dahil alam nilang may kakayahan siya upang maging lider kasama ang dalawang natanggal na opisyales, Melvin Matibag at Astra Naik. Bukod pa rito, ang Pangulo ay suportado rin kay Cusi at binanggit niya ito noong nasa national assembly sa Clark noong Hulyo 17 kahit na maraming miyembro ng partido ay nagsasabing ang kapangyarihan ni Cusi upang magtawag ng pagpupulong ay hindi karapat-dapat.
Ang National Assembly
Sa National Assembly na nangyari noong Hulyo 17, maraming solusyon ang ipinatupad upang mabago ang lider sa partido. Una, ang pagsasagawa ng eleksyon ng mga opisyales, at kasama nito, si Pacquiao ay ipinatalsik sa kanyang pwesto bilang presidente ng partido. Pagkatapos ng pagpapatalsik, si Cusi ang pumalit sa posisyon ni Pacquiao bilang presidente ng partido. At ang huli, may nabuong council of elders, upang posibleng subukang pag-isahin o hatiin ang Pacquiao National Executive Committee (NEC), si Pimentel ay binigyan ng pwesto para sa council of elders upang maging kinatawan ng kanyang ama.
Responses to the rift
Dahil sa patuloy na paglaki ng tensyon para sa parehas na partido, alinman sa mga partido ay hindi kinikilala ang mga pinatalsik na mga miyembro na nangyari sa nagdaan na araw, at si Pimentel ay nangakong hindi kailanman kukuha ng tao na ‘di umano’y nais sumuporta sa mga outsiders dahil sila ay karaniwan sa eleksyon. Si Pacquiao ay nagsabi na ang iba’t ibang sektor ng ahensya ng gobyerno ay nakikibahagi sa korapsyon, ngunit wala siyang ebidensya upang suportahan ang kanyang banggit dahil siya ay naghahanda para sa kanyang laban kay Errol Spence Jr. para sa kampeonato.
Ang oposisyong pulitika na si Frank Drilon ay umamin na ang hidwaang ito ay makabubuti sa kanila para sa eleksyon sa 2022. Sinabi niya na ang oposisyon ay namamahala sa pag-isa at pagpili ng mga kandidato para sa posisyon ng presidente at bise-presidente, mas malaki ang kanilang tiyansa laban sa nangungunang partido dahil ang resources nila ay nahati.
At ang huli, ang abogado sa eleksyon na si Romulo Macalintal ay nagsabi na, ““If the leadership issue is not internally resolved by the PDP-Laban before August 15, the party and its officers and members will be in for a big and serious political crisis.”
Agosto 15 ang huling araw ng pasahan ng Sworn Information and Update Statement, at kapag ang partido ay hindi naayos ang mga hidwaan ang COMELEC ang magsasabi ng huling desisyon, katulad sa problema ng nangungunang partido noong eleksyon sa senador taong 2019, kung sino ang tama ayon sa batas sa loob ng isyu.
Kommentare