Ano ang nangyayari?
Ang presyo ng langis sa Pilipinas ay patuloy na tumataas sa nakalipas na 8 linggo. Noong Oktubre 19, itinaas ng ilang kumpanya ng langis ang presyo ng lahat ng kanilang produktong langis.
Ang bagong presyo ay P1.80 kada litro ng gasolina, P1.50 kada litro ng diesel, at P1.30 kada litro ng kerosene.
Dahil dito, umabot sa P70.44 kada litro ang kasalukuyang presyo ng unleaded gasoline at P50.17 kada litro ng regular na diesel sa Metro Manila.
Bakit tumataas ang mga presyo?
Ang biglaang pagtaas ng mga presyo ay nauugnay sa bumabalik na pangangailangan para sa transportasyon na katulad noong wala pang lockdown. Napansin din ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang EDSA ay umabot na sa pre-pandemic na antas ng trapiko pagkatapos ng halos 2 taon.
Sa pagbaba ng kaso ng COVID-19, mas maraming Pilipino ang lumalabas, kaya mas maraming sasakyan ang ginagamit. Ang pampublikong transportasyon tulad ng mga jeepney, FX (UV Express), at mga bus ay ginagamit din ng mas maraming tao dahil unti-unting bumababa ang panganib na lumabas kasabay ng mga aktibong kaso.
Ang isa pang dahilan ay maaaring ang suplay ng krudo, na ginagamit sa paggawa ng mga produkto tulad ng diesel at kerosene, ay lumiliit dahil sa pansamantalang pagsasara ng mga kumpanya ng U.S. dulot ng pag-landfall ng Hurricane Ida sa southern coast ng America.
Ang Department Of Energy (DOE), ay nagpahayag na hindi bababa sa 294,414 barrels kada araw o 16.18% ng produksyon ng langis sa Gulf ng Mexico at 24.27% ng produksyon ng gas ay nanatiling offline noong Setyembre 23, “hindi inaasahang magpapatuloy hanggang Q1 2022 ang recovery nito.”
Ano ang mga implikasyon?
Bagama't ang pagtaas ng presyo ng langis ay maaaring nagpapahiwatig na may ilang mga industriya na unti-unting bumabalik sa kanilang mga antas bago ang pandemya, para sa karamihan ng mga Pilipino, ang pagtaas na ito ay sinalubong ng kalamidad. Dahil maraming Pilipino ang unti-unting bumabalik sa trabaho ngayon, marami sa kanila ang nahihirapang magbayad sa tumataas na presyo. Bilang tugon dito, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na hahanapin nitong mabigyan ng tulong pinansyal ang mga Pilipino tulad ng jeepney at FX drivers na pinakamaraming tinamaan ng pagtaas ng presyo.
Comments