top of page
Search

Tatlong lalaki ang ‘di umano’y kinidnap ng pulis

Ano ang nangyari?


Ang tatlong suspek na naglalako ng marijuana ay sina Rexcel John Hipolito, 23-anyos, Ronald Jae Dizon, 21-anyos, at Ivan Serrano, 18-anyos ay sinasabing kinidnap ng pulisya sa tulong ng mga “police assets”.


Sa isang panayam sa “24 oras,” 2 magkapatid na lalaki, na nais itago ang kanilang pangalan, ay nagsabing sila ay hinire ng mga pulis upang makilala ang mga pinaghihinalaang gumagamit ng droga.



Pahayag ng sinasabing “Police Assets”


Ang dalawang suspek, na nagsabing sila ay napilitan sa ganitong klase ng hanapbuhay dulot ng kahirapan, ay pinakilala sa isang yunit ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng isang kaibigan. Ayon sa magkapatid na lalaki, sila ay kumikita ng humigit-kumulang P500,000 para sa bawat suspek na gumagamit ng droga na kanilang itinuturo sa mga pulis at sila’y binibigyan ng pagkain at ng ligtas na tahanan bilang gantimpala sa kanilang serbisyo.


"Magtuturo ako ng subject, 'yong huhulihin po. Ngayon, hindi kasi makakagalaw ang mga pulis kapag wala po silang asset kasi doon po sila kumukuha ng trabaho," banggit ng isa sa mga suspek.


Isiniwalat ng mga suspek ang tatlong nawawalang lalaki - Hipolito, Dizon, at Serrano - sila rin ay maaaring napatay na ng mga pulis.


Pahayag ng Pulisya


Si PNP Chief Eleazer ay nangakong makikipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) sa kasong ito na may kinalaman sa paggamit ng ilegal na police assets. Ang paraang ito ay ilegal dahil hindi ito dumaan sa masusing proseso. Kapag ang mga paratang ay lumabas na katotohanan, si Eleazer ay nangakong paparusahan ang mga nagkakasala at mag doble ingat upang maiwasan ang mga insidenteng katulad ito na mangyari sa hinaharap.


Si Presidential spokesperson Harry Roque ay naglabas na ng pahayag na ang insidenteng ito ay kasalukuyang iniimbestigahan ngunit wala pang nahahanap na matibay na ebidensya upang mapatunayan ang testimonya ng dalawang magkapatid na lalaki.


“Madali lang sabihin ‘yang ganyang bagay [na bayarang police asset sila]. Antayin natin ang imbestigasyon,” banggit ni Roque.


Implikasyon


Dahil sa masusing pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC), ang insidenteng ito, kapag napatunayang totoo, ito ay maaaring magsiwalat ng ibang insidente na may kinalaman sa pag-aabuso ng kapangyarihan ng kapulisan sa ating bansa. Ayon sa datos ng ICC, 12,000 to 30,000 ang mga suspek ng droga ang maaaring mamamatay dahil sa mga vigilantes na nagtatrabaho sa mga pulis. Gayunpaman, ang mga alegasyong ito ay hindi pa napapatunayan, kaya’t maaga pa upang malaman ang nangyaring posibleng pagmamalabis at ang kanilang implikasyon.


Recent Posts

See All
Ang Pfizer Pill

Ang kasalukuyang sitwasyon sa malawakang pagbabakuna ay nagbigay-liwanag sa isang bagong problema. Matapos maibigay ang mga booster shot,...

 
 
 

Comments


©2021 by ALAB.

bottom of page